All The Single Ladies! and Gentlemen. :p

Okay, so the last time, naibahagi ko sa inyo ang tungkol sa pagiging commited at hindi. Ngayon naman, let's talk aboout the idea of being SINGLE. And the idea of Single-Blessedness. (Amen to that!)
Tapos na tayo sa comparison between having a commitment or just having a crush. Next, comparison naman between being SINGLE and being COMMITED, or what we always call "Taken". :)

This is the second part or rather the continuation of my previous blog entry: To Commit, or Not To Commit. Now, I'll state some issues/advantages of being alone. I mean, being SINGLE pala.
Wala namang masama sa pagiging single eh. In fact, this may be an advantage to most people, including me. Akala kasi ng iba, for example na lang sa akin, akala nila kaya single pa din ako kasi walang may gusto sa akin, or wala akong nagugustuhan, choosy daw ako, and things like that. But the truth is, there is a deeper meaning beyond that.

Yun yung ibabahagi ko sa inyo sa blog entry kong ito. And sana, pagkatapos niyong mabasa itong blog entry ko, magiba na tingin niyo sa mga SINGLE People. =))

So here it is. The comparison between SINGLE People and those who are in a relationship, or TAKEN as what others call it.

SINGLE: Tulog ng tulog. Wala namang pagpupuyatan eh.

TAKEN: Di makatulog. May pinagpupuyatan. O kaya naman, may MGA pinagpupuyatan. XD

SINGLE: TV/PC Addict. Yun ang pinagkakaabalahan niya eh. Wala nang iba.

TAKEN: Cellphone addict. Text ng text. Kulang na lang idikit yung phone sa kamay dahil laging katext/katawagan si BF/GF.

SINGLE: GM ng GM ng quotes/jokes. Nagpapapansin, naghahanap png katext dahil walang katext. (Ganito ako pero di ako nagpapapansin ah. Madami yata akong pwedeng katext. :D)

TAKEN: Ni GM, ni mangamusta sa mga friends, WALA. Maski reply, WALA din. Puro sa BF/GF ang tinetext.

SINGLE: Isang text mo lang, reply na agad. Kakatext mo pa lang, may instant reply na. XD (Okay, ako to. HAHA!)

TAKEN: Kalahating araw bago magreply. O di kaya, inaabot ng ilang oras bago makapagreply. Busy kakatext kay BF/GF eh.

SINGLE: Laging nagde-day dream.

TAKEN: May dreams din siya. Yun nga lang, sa gabi. :)) (Ops, wag green minded. Iba to. *wink!)

SINGLE: Hilig kumain. Wala naman ikaka-conscious sa figure kasi wala namang someone special na papansin or pagpapapansinan.

TAKEN: Walang gana kumain. Nagaway sila eh. Or walang pera, kasi naubos sa previous date nila, or naubos sa pagloload. :))

SINGLE: Hilig gumala. (ARAAAAAAY!! Ako to. :p) Kasi wala namang paglalaanan ng oras eh. Kaya magpapakasaya na lang siya. Parang ako. HAPPY GO LUCKY. Kung saan man abutin ng mga paa. :)

TAKEN: Gagala lang pag kasama si BF/GF. Or hindi makagala kasi pinagbabawalan ni BF/GF. (Kawawa naman.. Lol!)

SINGLE: Laging mukhang blooming, kahit hindi naman. Wala kasing problema eh. ;)

TAKEN: Stressed. Problema na sa school, bahay, si BF/GF dumadagdag pa.

SINGLE: No worries. Siyempre, puro sarili mo inaatupag mo eh.

TAKEN: More worries. Alam niyo na to. Worries regarding the relationship, and other stuffs.

SINGLE: Laging happy, kahit minsan hindi.

TAKEN: Laging happy, sa sobrang happy, mukha nang baliw. :))

SINGLE: Daming pera. Walang pinagkakagastusan eh.

TAKEN: Walang pera. Ubos lagi sa date/load/at kung anu ano pang tungkol sa kanyang BF/GF. (Lalo pa pag lalaki ka, ay nako. XD)

SINGLE: Focused. Walang ibang iniisip eh.

TAKEN: Absent-minded. Laging nasa isip si BF/GF eh. Puro siya na lang nakikita at naiisip. Lutang na. =))

SINGLE: Blooming palagi.

TAKEN: Blooming din, kahit madalas maraming iniisip.

SINGLE: Puro social life. Labas dito, labas doon. Party kina ano, party pa kina ganito.

TAKEN: Walang social life. Bawal daw kasi sabi ni BF/GF. (Hahaha! Kawawang bata. :p *peace!)

SINGLE: Inom lang ng inom.

TAKEN: Bawal ulit, sabi ni BF/GF.

SINGLE: Pwede makipagfriends kahit kanino. Pwede magbigay ng number, chat, comments sa Friendster/Facebook, or kahit saan.

TAKEN: BAWAL! BAWAL! BAWAL! Yun na. :)

SINGLE: Collect and collect and collect and collect and collect and collect to the nth power!

TAKEN: Makuntento ka! Yun na. :p

SINGLE: Lively. Masayahin.

TAKEN: Boring. Namomroblema kay BF/GF. Pag ginulo mo, lagot ka.

SINGLE: Masarap at masaya laging kausap.

TAKEN: Wag mong kakausapin. Mainit ang ulo. :))

SINGLE: Babyface. Walang problema eh. :)

TAKEN: Stressed lagi. Kaya natanda ang itsura eh.

SINGLE: Sarili mo lang iintindihin mo. Walang ibang poproblemahin. Walang gastos.

TAKEN: Iniintindi mo na nga sarili mo, iniintindi mo pa SIYA, kaya minsan wala nang time sa sarili. Wala na ring pera dahil naubos kay BF/GF. :))


Hmmm.. Kung napapansin niyo, puro PROs pagdating sa Single, right? And puro CONs naman sa Taken. Well sorry, coz those are based on my opinion. And based on my experience as a single gal, yun yung mga tinatamasa ko ngayon. And yung sa mga Taken naman, base yun sa mga experience ng mga kakilala, friends, at ng sarili ko na din. :)

Well, syempre, hindi naman puro negative ang makukuha mo sa pagiging Taken. Meron ding advantage ang pagiging Taken. I'll site some. :)

1. May nagmamahal sayo.
Syempre more than as a friend, brother/sister, or kahit kanino pa man. Iba pa rin syempre pag may special someone ka.


2. May nagaalaga sayo.
Tatanong kung kumain ka na, or what, concern sayo, and stuffs like that.


3. May inspiration ka.
You'll learn to love life even more because of Him/Her.


4. May reason to smile and laugh. :)

5. May sumasaway sayo, pag mali yung ginagawa/gagawin mo.
May iba kasing ganito eh. Gusto nila yung pinagbabawalan sila at sinasaway. Katwiran nila, mahal sila nun kaya nila nagagawa yun.


6. Di mo mararamdamang nagiisa ka lang.
May katuwang ka na eh.


7. May katulong ka sa mga gawain mo.
Not really katulong, but someone who'll help you with some things.


8. When you feel alone, or sad, at least merong 'someone' to cheer you up.
Yung tipong di mo makukuha from a friend, or a family. Yung mabibigay lang talaga ng isang special someone. :)


and lastly,

9. You'll always feel that you are loved.
Laging may magpupuno sa emptiness na mararamdaman mo. :)



Well anyway, alamin naman natin kung bakit nga ba dumadami ang population ng mga single people. Tulad ko. Bakit nga pala hanggang ngayon single pa rin ako? Yan din tanong ko sa sarili ko eh. :)
I'll site some reasons.

* Destiny addict. Bahala na daw ang tadhana.
Siya yung naniniwala sa serendipity, soulmates, and stuffs like that.

* Perfectionist.

Like for guys, gusto ata maging girlfriend eh si Barbie na hindi tumatanda, or Diyosa. :eek:

* Busy-busyhan.

Busy sa work, schoolstuffs, and kung ano ano pa.

* Friendship Theory. Masaya na at secretly inlove sa friend.
Yung tipong ayaw masira yung friendship nila or kung ano mang meron sila kaya ayaw gumawa ng move.* Nagaantayan. Hinihintay ni girl si guy gumawa ng move. Si guy naman, natotorpe. Either nahihiya, or nagaantay ng right time.
MY GAS! Walang ibang right time. Kung hindi ngayon, kailan pa? :)

* Born-to-be-one. Nahuhumaling sa idea ng single blessedness.

Parang ako, sa sobrang pagkasaya sa pagiging single, nalimutan ko na kung pano magkaroon ng someone. XD

* Happy-Go-Lucky. Tikim tikim lang ang trip sa buhay.

Puro pagpapakasaya. Kung san masaya, dun siya.
* Wrong Time. Feeling niya laging may tamang panahon for love.

What you need to know is, there is no right or wrong time. It just depends on how you'll say it.

* Wrong Place. Feeling eh nasa maling lugar.

Duh. Kahit sa Mt. Everest pa yan or Siberia, basta ba sincere ka at wala kang gagawing masama eh go na. :)

* Rated PG. Depende kay Mommy and Daddy. Or probably, strict ang parents.

Sa panahon ngayon, di na uso ang strict ang parents. Kung mahal mo, go na. Itago mo na lang sa parents mo. XD Isa pa, hindi naman parents mo ang pakikisamahan nung guy eh. Ikaw. Kaya why depend it on them?
* Traumatic Experience. Minsan nang nasaktan ng sobra, kaya ayaw na maulit.

Like in my case, that's probably the main reason why I'm still single and doesn't want to be commited YET. Masasaktan lang naman din eh bakit pa susubukan? XD Pero siyempre, pano mo malalaman, kung hindi mo pa rin naman susubukan. Di ba?
* EX to the NTH Power. Kunwaring naka-move on pero si walang kamatayang EX pa rin ang gusto.

Listen, kaya nga tinawag na EX kasi part of the past na. If things didn't work out, let it go. Ibig sabihin hindi kayo para sa isa't isa. Sa laki ng population ng Philippines, imposibleng di ka makahanap ng mas better for you. So move on! :)



Ayan, para sa ating mga single, wag kayong ma-pressure kung sa tingin niyo ay napagiiwanan na kayo ng mga kaibigan o kakilala ninyo na hindi na single. Learn to love yourself first before you learn how to love others. Loving starts with you, yourself.
Alright, para ma-build up naman yung iba sa inyong single pa, let me share you a nice quote:

"In order for you to be truly happy with other people, you have to learn first how to be contented and happy being alone is.
It's only when you become in-touch with yourself that you realize how important it is to be a whole person before sharing your life with someone else.
So don't hurry getting into a relationship.
Being single might suck at some times,
But it seriously does have great benefits." =)

I hope you guys are enlightened by those things. Ang this is the last part for my two-part blog entry. Change topic na tayo next blog entry. See you all till then! ^_^

4 comments :

  1. Taas kamay ng single! nyahahahaha! =P pero yung description ng gumawa at ako parehas nakadescribe sa taken. eh single naman ako. xD =))

    ReplyDelete
  2. Taas kamay pa daw. XD
    Parang may pinapahiwatig yung ni-react mo eh. Lmao. =))

    ReplyDelete

Without using your Facebook account