Random Thoughts in Tagalog

Mmmm hmmm. Nitong mga nakaraan, napansin kong ang daming nangyayari sa paligid ko, sa akin. Kanya kanyang sitwasyon.. Karamihan sa mga ito, ay puro sa pag-ibig. Bigla ko tuloy naisip, bakit ba nagiging problema ang pag-ibig? Di ba ang pag-ibig ang siyang dapat na maging sagot sa lahat ng mga problema? Eh bakit ngayon parang puro pag-ibig ang dahilan ng mga problema? Hmmm.. Parang medyo kumplikado ano? Paano kasi, sa tuwing pag-uusapan ang pag-ibig, nariyan ang samu't saring kumento. Samu't saring damdamin at opinyon ukol sa mga ganitong bagay. At dahil, babae ako at ang mga nakaranas ng mga sitwasyong naiisip ko nung mga nakaraan, ang blog kong ito ay magiging base saming mga kababaihan. Ngayon, kung sa palagay mo na mali ako or may hindi ka nagustuhan tungkol dito, pasensya. May kaniya kaniya tayong opinyon at saloobin ukol sa mga bagay bagay, kaya irespeto mo ito. :)

Okay so lemme share to you some of the things that bugged my suddenly-unpeaceful-mind the past few weeks. Well, I'll just site 5 things para medyo may thrill pa sa next. :D
UNA: Nariyan yung mga lalaking hindi mo maintindihan. Yung tipong, pabago bago ang isip at damdamin at may kaartehang taglay na daig pa ang babae.Minsan sa buhay, may maeencounter kang ganitong klase ng mga lalaki. Tama mga girls? Yung tipong, one minute ang sweet niya sayo. Then the next one, cold siya na para bang may ginawa kang mali, pero alam mo sa sarili mong wala ka namang ginagawang masama.At kung tungkol naman sa mga kaartehan, ay grabe. Kumbaga, daig ka pa in terms of emotions. Yung tipo bang maliit na bagay, pinapalaki. Kausap mo lang si ganito, at ganiyan na kaibigan ni ano, magseselos tapos magagalit. Dahil dun, mageemote. Kesyo di kayo bati, galit siya sayo, at blah blah blah.Teka teka nga, Lahat para sa inyong mga lalaking ganito, bakit di niyo sabihin sa mga babae ang problema niyo? Girls always tend to listen whenever someone needs them. Eh kayo pa kayang special someone niya, di niya pakikinggan? Kaming mga babae, gusto naming honest lagi sa amin ang mga lalaki. Well, tulad na lang sakin halimbawa. Para sa akin kasi, di bale nang masaktan ako sa sasabihin mo kung iyon naman ang katotohanan. Kesa naman sa magmukha akong tanga sa mga kasinungalingan ninyong mga lalaki.Ngayon, sabihin na nating may problema ka.. Bakit di mo sabihin sa kanya kung ano ang ikinapuputok ng butse mo. At least, pag nasabi mo sa kanya, makakapagusap kayo. Kung tungkol man yan sa inyong dalawa o hindi, still, dapat kayong makapagusap. After all, walang hindi nareresolba sa paguusap ng maayos. :)




PANGALAWA: Mga lalaking demanding. Yung tipong laging nagmamadali at minamadali kaming mga girls. (Guys, aminin niyo man o hindi, madalas ganiyan kayo sa mga girls.. :p)
Halimbawa na lang guys, pag kayo ay nanliligaw, wag kayong magmamadali. Kasi magandang makuha ang isang bagay/minamahal nang pinaghihirapan. Mas worth it, di ba?Ang tanong, bakit ba kayo nagmamadali? Hinahabol ba kayo ng aso? Nasa karera ng mga kabayo at may pustahan? YUN! Kadalasan, pag nagmamadali, may pustahan. O di naman kaya ay trip lang. (Alam ko to, kaya wag na kumontra. >:D)
Yun yon eh. Bakit ka magmamadali kung wala kang hinahabol, o hindi ka hinahabol.. di ba? Kaming mga babae, ayaw namin ng pinepressure kami. Ayaw namin ng lalaking demanding. Ang lagay e para kaming tuta, na pwede mong hawakan sa leeg at pasunudin sa lahat ng gusto niyong guys? Aba naman. May sarili kaming disposisyon.Halimbawa na lang sa panliligaw ulit, ayaw namin ng minamadali. Kadalasan kasi sa mga babae, takot pumakot sa isang relasyon.. Dahil nakaranas nang masaktan, maloko, ma-two time. Kaya hindi niyo masisisi ang mga babae kung ayaw nila ng nagmamadali. Tama nga naman. Ang pakikipagrelasyon, hindi yan basta basta. Dahil pag pumasok ka sa isang relasyon, hindi lang sarili mo ang responsibilidad mo. Kundi pati yung karelasyon mo.Kaya wag magmamadali. Take time. Ienjoy niyo muna ang company ng isa't isa. Ang feelings, hindi nadedevelop ng isang araw lang.. O maging isang linggo. (Depende na lang kung madaling mainlove, pero hindi din eh.) Kung gusto mo ng seryosong relasyon, paghirapan mo. After naman nun, pasasaan ba't mapapasayo din siya.Ang babae, hindi yan ganun ka-tumitingin sa panlabas. Pakitaan mo lang ng kabaitan at kagandahang loob, okay na eh. Kaya nga madalas saming mga girls, pakitaan mo ng kabaitan nafo-fall agad eh. Tsktsk.. Well, ganun talaga..Basta eto, walang magandang bagay na nakukuha mo kinabukasan. Meaning, lahat ng bagay na worth it, pinaghihirapan. Masarap ata sa feeling na makuha mo yung minamahal mo sa sarili mong pagsisikap at walang pagmamadali. :)

PANGATLO: Mga lalaking salawahan, tatluhan, o pangmaramihan.Ayan. Eto yung mga lalaking nililigawan or parang nanliligaw kay ganito, tapos nakikipagflirt pa kay ganiyan at sa kaibigan ni ganiyan at sa mga kaibigan pa niyang iba.
Para sa aming mga girls, ang mga ganitong lalaki dapat pinapatay na. Hahahaha! Just kidding. :))
Pero para sa amin talaga, hindi worth it makarelasyon ang mga taong ganito. Isipin mo na lang, nanliligaw pa lang siya sayo ganiyan na siya umarte. Paano pa kaya pag kayo na? Ito ang mga lalaking mahirap pagkatiwalaan. Di mo alam kung pinagtitripan ka lang, o isa ka sa mga susunod na biktima ng kaniyang matatamis na dila.Yung mga ganiyan, nako. Iiwanan ka lang na luhaan. Tapos siya, masaya. Masaya sa piling ng kaniyang susunod na mga bibiktimahin. Pero di lahat happy ending ah.. Kakarmahin ka din ng bonggang bongga. At pag nangyari yun guys, pagsisisihan niyo mga ginawa niyo. Kaya habang maaga pa, sana naman wag ganun. Kung si ganito ang nililigawan mo, just stick with her. Kalimutan mo na si ganiyan, at si kaibigan ni ganiyan, at mga kaibigan mong ganiyan din.Matuto kang magset ng limitation. Okay, sabihin na nating sadya ka talagang sweet. Pero imbes sa iba mo ginagamit yang ka-sweet-an mo, dun na lang kay ganito na nililigawan mo. Malay mo, dahil dun mapa-oo mo siya. At least, sa kanya ka lang sweet, napasagot mo pa. ;)

PANG-APAT: Mga lalaking hindi pa pala naka-get over kay Ex-Y-Z, pero sinasabi kay ganito at ganiyan na naka move on na siya, at ikaw talaga ang mahal niya.
Ito isa sa mga common case ngayon eh. May ex si boy. Sinabi kay girl na wala na sila ni ex at tulungan syang makalimutan yun. Ngayong nakalimutan na DAW, si girl na ang mahal. Happy sa una. Tapos malalaman laman mo, all this time na kayo, mahal pa din pala si ex! Tangnangyon.
Alam niyo guys, kung mahal niyo pa pala yung ex niyo at kailangan niyo lang ng magpapamove on sa inyo, wag na kayo gumamit ng girls.. Or at least kung nasa ganitong sitwasyon kayo, wag kayo mangangako sa girl na nakalimutan mo na siya, na siya na ang mahal mo, at kung anu ano pang mga kasinungalingan. Alam niyo naman kasing madali kami maniwala, sinasamantala niyo naman. Edi ang tendency, girl falls for boy, boy has girl but boy still loves ex. Wag naman ganun guys.. Maawa naman kayo sa mga girls. Ang hinangad lang naman nila eh mahalin niyo rin sila, kaya sila ganiyan eh.. Tapos sasaktan niyo lang din pala? Unfair naman yun...Isipin niyo na lang na kayo ang nasa lagay naming mga girls, di ba masakit? Masakit ang umasa, lalo na kung umaasa ka lang sa wala. Para sa akin kasi, masakit kung all these times na kayo, siya pala ang mahal mo at hindi ako. Naniwala ako sa mga sinabi mo. Nagtiwala ako. Tapos, yun lang pala ang mapapala ko? Wala namang ginawang masama yung tao sayo tapos in return, siya pa ang masasaktan. QUIT PLAYING GAMES GUYS. Kung games ang gusto niyo, magDOTA na lang kayo maghapon. May Rohan, SF, at kung ano ano pa. Dun niyo gugulin ang oras niyo para makalimutan si ex. Wag niyong gamitin kaming mga girls dahil hindi biro ang ginagawa niyo. It involves emotions.Kaya sana, wag niyo gawing biro biro lamang ang mga ganitong bagay. :)

PANG-LIMA: Mga lalaking masyadong hesitant. Hesitant to ask a girl bout things and stuffs about love (This may be applicable to girls, hindi lang sa guys)
Eto, common to sa mga lalaking torpe. Pero meron din namang hindi. Para sakin kasi, kung may gusto kayong malaman sa isang girl, ang pinaka the best na gawin niyo eh itanong niyo mismo sa kanya. Pero dapat maayos ang pagkakatanong niyo ah.. Mamaya ang maging dating eh nagdedemand kayo, mapapasama pa ang image niyo ngayon kay girl.. Lagi niyo tatandaan to, walang masama sa pagtatanong. Ang maaaring masama dun ay ang pagkakatanong niyo.. Guys and girls, lagi niyo iingatan ang mga sinasabi niyo. Coz one wrong word, and you're all messed up. Kahit sa friends, dapat laging screened ang words niyo. ;) AYUN. Hmmm.. Eto lang masasabi ko, ang buhay, simple lang naman yan eh.. Kadalasan, kaya lang nagiging complicated dahil na rin sa atin. Sa mga wrong moves, wrong decisions, and wrong people. It's a matter of yes and no. Good and bad. Left or right. Meaning we always have the choice. The choice to make it better or worst.Ang problema, hindi magiging problema kung di natin poproblemahin. Kung ginawan mo na agad ng solusyon, edi tapos na.Okay, hanggang dito na lang. BUT before I go, I'll leave you girls and also guys a quote. And here it is....


"Marami pang lalaki diyan.. Pero kaming mga lalaki, pareparehas lang kami."
-- Cyrus (Kim Sam Soon)

*Ayan. Guys na mismo ang nagsabi huh.* =)

No comments :

Post a Comment

Without using your Facebook account