Kung gusto mong mahalin, magmahal ka rin.

"At sino naman ang nagsabing hindi nawawala ang pagmamahal? Para din yang pagligo. Kung ayaw mong bumaho, maligo ka. Kaya kung gusto mong mahalin, magmahal ka rin."

-- It all started with this quote I got from someone that I eventually sent to some of my contacts. May mga nagreact kasi. Pero ang pinakanakakatuwang react, eh yung kay Jom (ni Ceth). Napaisip ako sa reaction niya eh. In fairness, may point siya. So eto, I've decided to blog this, kasi napaisip na naman ako. :))

I'll share our conversation muna. :)

JOM: Pano kung di mo type yung nagmamahal sayo, mamahalin mo pa din ba?
TRINA: Minsan, wala naman yun sa type type eh. Kung tinamaan ka, mamahalin mo pa din yun sa ayaw at sa gusto mo. Haha!
JOM: Onga, eh di ba sabi sa quote, para mahalin ka din, magmahal ka?
TRINA: Oo nga eh. Haha!
JOM: O edi kapag nagmahal lang ako, tsaka ako mamahalin?
TRINA: Hmm... Siguro? Kasi kung ano ang itinanim, siya ring aanihin. Ano makukuha mo kung ikaw mismo walang ibinigay? Hehe.
JOM: Eh kung mayaman ka naman, bakit mo pa kailangang magtanim? Haha!
TRINA: Wahahahaha! Loko nento! xD
JOM: Hahaha! Hindi naman kailangang magmahal para mahalin.
TRINA: Hmm, at times may ganun talaga. :P
JOM: Uhm, tama. Tignan mo mga fans ko, hindi ko mahal pero mahal ako.
TRINA: WAHAHAHA! Ikaw na maraming fans! XD

Loko ni Jom o. Wahaha. =))

Anyways, for me, parehas may point yung "Kailangang magmahal, para mahalin ka din" at yung "Hindi kailangang magmahal para mahalin ka din". Yun nga lang, mas agree ako dun sa nauna.
Most of the time kasi mas totoo yung "Kailangan mong magmahal, para siyempre, mahalin ka din". Tulad nga nung kasabihan na "Kung ano ang itinanim, siya ring aanihin". So paano ka aani, kung ikaw mismo eh walang itinanim? Ganun din sa love. Wag ka magexpect na makakatanggap ka ng love, kung ikaw mismo eh walang ibinigay na love.
Parang sa exchange gift every christmas. Kung wala kang dalang regalo na pang-exchange gift, hindi ka kasali sa bigayan ng regalo. Wala kang ibinigay eh. Kawawa naman yung nagbigay ng regalo, walang matatanggap. So therefore, wala nga talagang babalik sayo. Ganun lang kasimple. :)
It's just a matter of give and take. Right?
Example, sa isang relationship. Puro si girl na lang ang nagbibigay, and si boy, tanggap lang ng tanggap. Aba'y hindi forever ganiyan. Siyempre, darating at darating din yung panahon na magsasawa din kabibigay si girl. Lalo pa kung wala siyang natatanggap kay Boy. Sino ba naman magttyaga sa ganong sistema. Pero sige, sabihin na nating may mga nagttyaga sa ganoong sitwasyon. Pero dude, hindi yan magtatagal. Sooner or later, makikita mo. Mapapagod at titigil din yan sa kabibigay para sayo.

Osige. Yung sa "Hindi kailangang magmahal para mahalin ka din" naman.
Well, napaka-fortunate naman ng mga ganitong tao. Haha! Siyempre, sila yung mga taong kahit hindi magmahal eh automatic nang may nagmamahal sa kanila. Tulad na lang nung sinabi ni Jom. "Tignan mo mga fans ko, hindi ko mahal pero mahal ako". *eek* XD
Probably kaya may mga ganon eh dahil may mga qualities sila that make people love them. Maaaring mabait ka, sweet, thoughtful, maganda/gwapo, at kung anu-ano pa. Mostly mga ganito, artista. O di kaya naman, artistahin (you know what I mean: Good looking people. :P).
Example na nga lang natin si JOM. Hindi niya mahal mga fans niya. Pero mahal pa din siya ng fans niya (pagbigyan na po natin si Jom. Hahaha!). Marahil ito ay dahil sa taglay "DAW" niyang kagwapuhan (Toink!!!). O baka naman dahil sa chABS, este ABS daw. XD Yun na yon.
Sorry, di ko gano mai-elaborate yung tungkol dito. Hindi ko kasi ganon ka-naiintindihan yung pinupunto ng "Hindi mo kailangang magmahal, para mahalin ka din". Pinaniniwalaan ko kasi talaga yung kasabihan na "kung ano ang itinanim, siya rin ang aanihin" eh.
Ika nga nila, "Blessed are those who give. For it is better to give than to receive." =)

Hay ewan. Basta ako, I really agree with the quote, "Kaya kung gusto mong mahalin, magmahal ka rin". Kaniya-kaniya naman kasi tayo ng paninindigan at paniniwala eh. Kayo na bahala kung saan kayo diyan. Nagshare lang ako ng opinion ko about this thingy. Yun lang. :P

Peace out!

No comments :

Post a Comment

Without using your Facebook account