CBA: Full Force!




Charge up and heighten your energies as we join forces in one fierceful day!

CBASC brings YOU "FULL FORCE!
(CBA General Assembly)
September 2, 2009 from 2:30 to 8 PM at DLSU-D Grandstand.

Featuring our college's stream of talents:
SYNERGY, VOICES, ILONG SOCIETY.

with BIG special guest bands:
* AURORA!
* PARALUMAN! and
* SANDWICH!

Sponsored by NU Rock107.5 and Mang Tomas Ibulsarap.


******************************

Errr, okay. So bale 7 PM onwards lang ako nandun. We watched Year One, starring Black Jack and Michael Cera kasi eh, instead of Final Destination na wala pa pala sa SM Dasmarinas (How bulok!).

So there. When I arrived at school, Paraluman na yung naabutan ko. I have not watched Aurora!!! So freaken darn it. :(
Grabe, when I arrived at the Grandstand, nagulat ako. Coz like, sobrang dami ng tao. Di ko mahanap yung nawawalang kapatid ko. She's somewhere daw eh. Nagpapasundo ako pero ayaw. Mukha tuloy akong tanga kakahanap dun eh ang dami daming tao. :|

I only took a few photos of Paraluman. I like them. But not that much. What I am really looking forward to is Sandwich. Na super favorite ko na talaga eversince. Kahit na si Marc Abaya pa lang ang vocals nun at hindi pa siya umaalis dun.

Anyway, sa Sandwich na lang yung ikukwento ko.

Ayun. Umakyat na sa stage ang Sandwich. First was Myrene, then Mike, then Diego then Mong, and last but not the least, Raymund.
I noticed Raymund's obvious frowns and his straight face. I thought I was the only one who noticed it, but no. Yung mga students sa likod ko, minumura na nila si Raymund. Coz kakaumpisa pa lang nila, he threw the microphone.
And as far as I remember, he threw the microphone 3 to 4 times. Hindi lang 'yun. He also threw the microphone stand, for like, 3 times din yata. Di pa natapos dun. ibinalibag pa niya yung snare drum? Basta I forgot kung ano tawag dun. basta yung drum thingy. Tinapon niya.
Ang nakakagulat pa dun eh I saw Raymund's lips. And nabasa ko yung sinasabi niya. He was sooo annoyed na during those times. Second song na yata nun, bigla siyang tumigil. Binato yung mic for the second time.
Then he went to Mike's place (drummer), and said "Tangina. Nakakabastos eh. Wala, nakakabastos talaga yun para sakin." and some more stuffs. Myrene and Mike was listening to him. Diego then came to them. Probably asked what's wrong. Basta I saw Diego''s lips. And nabasa ko ulit yung sinabi niya.
It was something like, "Pare, hayaan mo na.... Blahblahblah." Basta, parang pinapakalma niya si Raymund. Coz Raymund was soo annoyed na nga. Then sinabayan pa ng tugtog sa gitara ni Mong. Haha!
Yung mga students pa eh minura pa si Raymund sabi, "Tarantado pala to eh.", "Sabog ba tong si Raymund?", "Tangina mo Raymund", and alot of stuffs na nakakabastos na din para sa kanila.
But then, when Diego finally convinced Raymund to continue the show, naging settled na ang lahat. Tuloy ang show. Na para bang walang nangyaring pagkabadtrip kay Raymund at pagkairita naman ng mga students.
Ayos ang show. Although hindi kami nasa mismong harapan nila. I loved the line up. Parang medley, na remix. Hahahaha! Ang kulet. Good thing, pinanood pa rin namin to. Hindi talaga namin pinalampas, although I have to finish my assignments for Accounting and Sociology pagkauwi.
Natapos ang show. Masaya. Mainit. Magulo. Astig. Hindi ko malilimutan yung paulit-ulit na binabanggit ni Raymund at nina Mong, "I am your sonic deathmunkey." Tumatak lang sa isip ko. IDK why. Haha!
And eto pa pinaka-remarkable. Probably ito yung kinabadtrip ni Raymund, nung tinantrums siya. Sinabi niya latter part of their performance, "Pinapababa na kami. 3 hours kaming bumiyahe, 1 hour kami nakaupo diyan sa likod. Hindi ako papayag na 4 lang ang tutugtugin namin. Payag ba kayo nun?" \m/
Ayos ka talaga Raymund. Although negative ang dating nito for some, para sakin, hanep. You had the guts to say that in front of the students, student council, professors, faculty... In front of everyone else.
So ayun. Mysister insisted na abangan daw namin sa may gilid sina Mong. Edi sunod naman ako. Aba, di ko akalaing isang oras halos kami magaantay dun! Kami kami na nga lang yata natira dun eh. Pero okay lang. Kahit nagmukha kaming papparazzi, swak naman. :p

BTW, sorry for the low-quality pictures. Pano, lowbatt na yung cam pagdating ko dun. I only used my cellphone's camera. Unfortunately, I forgot to change the settings for better quality. Naalala ko lang palitan nung last 2 songs na ng Sandwich! That was sooo stupid of me talaga. Badtrip pa yung ibang videos na nakuha ko. Nabura ng hindi ko man lang naba-back up at napapanood. :c)

2 comments :

  1. haha! salamat sa kwento Trina!

    now i got a glimpse of what happened there.

    super hinayang ako na hindi ako nakapunta jan sa concert.

    paano, bukod sa hindi ako taga-CBA,
    eh natambak yung gawain ko sa skul.

    well, sino ba namang di magagalit kapag minura ka ng mga taong di mo ka-tropa.
    to think na ganun pa yung naging sitwasyon nila.

    buti na lang they still gave a good show.

    i hope na Pedicab naman ang pupunta sa next rakrakan event.

    HAIL SANDWICH!!! :))

    ReplyDelete
  2. No problem! :D
    Oo nga eh. Sayang. Pero there's alwaya a "next time", right?
    Sana nga talaga Pedicab na. Kelangan ko mapanood yun!
    Hail to sandwich! *apir =)

    ReplyDelete

Without using your Facebook account