Para saan pa ang New Year's Resolution kung wala din namang natutupad o nagagawa?

Kung tutuusin naman kasi, anytime, pwede mo baguhin lahat ng pangit at ayaw mo sa sarili mo. Nasa sayo na lang yun kung gugustuhin mo. Para saan pa ang so-called New Year's Resolution mo, kung ikaw mismo, wala naman ding natutupad o nagagawa sa mga sinabi mo sa sarili mong babaguhin mo simula nung mga nakaraang new year, di ba? Just a thought. :)
Nakagawa na naman tuloy ako ng blog, ng biglaan. Di inaasahan.
As for me, this will be the first year na wala akong inihandang New Year's Resolution for myself. Naisip ko kasi, pwede ko naman baguhin anytime ang mga ugali at habits ko na ayaw ko at ng ibang tao sa akin eh. Bakit ko pa sisimulan sa new year, when I can start changing it now? Yan lang naman naisip ko a month ago yata. Would it be better if I start changing as soon as possible for the better? Para sa aking ikabubuti din naman din to, so why delay? :D
2009, has been very good to me. And so as the past years na nabubuhay pa ako. But I'll talk about 2009 coz we'll be saying goodbye to 2009 na eh. :p
So there. 2009, I got:
  • a new mp3 player: Microsoft Zune 8Gb: na feeling ko achievement ko kasi I bought this with my own money. Pera ko lang. Pero siyempre hiningi at binigay ng parents ko. Kaya ko cinonsider na "achievement" kasi, di ako humingi ng pera sa kanila pambili nito. Ipon, kumbaga. Hohoho.
  • Canon Digital Camera: though, share kami ni Jacqui dito, til dumating si Daddy, or magpadala siya ulit ng new cam. Yay!
  • Boyfriend: I told myself na hinding hindi ako magkakaroon ng ganito til I finish college. Eh wala eh. Dumating. I told God, wag muna. I thought tuloy tuloy na.Na I'm sticking to my "panata". Eh hindi. May deal pa naman kami ng BFF ko na hinding hindi kami magkakaroon nito til we finish college. Akala pa namin siya mauunang magkaroon nito, mali na naman. AKO PA ANG NAUNA magkaroon. But I'm happy though. So far, I'm convinced that I made the right choice. I'm very much happy with him. :)
  • reunited with my relatives, Mom's side: SUPER FUN! Gusto ko ulit bumalik dun. :( Sayang, di namin sila kasama magcelebrate ng Christmas and New Year. it would be the best if kasama ko sila ngayon... sina Mama. So sad that Papa and Lolo Jerry are not with us anymore. :'( But then, life must go on.
  • new experiences: YFC Youth Camp, MGT22 party (first ever. haha) various gigs, hangouts: kung saan-saan na ako napadpad. hoho. Mostly, puro inuman. Hindi ko na mabilang kung ilang gig/hang-out na ang pinuntahan kong uminom ako. Rather, di ako uminom, na may inuman naman. Haha.
  • new social-networking sites: obvious naman. Hindi ko na maalala kung kailan ako nagkaroon ng Facebook, so hindi ko macconsider na nagkaroon lang ako nito this year. Yung Twitter, Tumblr, at Formspring.me ang sure at natatandaan kong this year lang ako nagkaroon. :))
K, enough with the things I got this year. Yung mga nawala naman.
2009, I lost:
  • Papa. My beloved grandpa, and his bro-- Lolo Jerry: It's really hard to deal with the fact na hindi na namin kailanman makikita, makakausap at makakasama si Papa. Lalo na for mom. Kanina lang, umiyak na naman siya. According to her, hindi daw niya matanggap na wala na si Papa. Minsan daw, natutulala siya. Iniisip niya kung totoo daw bang wala na si Papa. What hurts the most for her is just after a week, yung kapatid naman ni Papa ang sumunod na nawala--si Lolo Jerry. :(
  • so-called "bond" with our relatives--Dad's side: I'd rather not talk about that here, for it's too personal. All I can say is, akala ko, BLOOD IS THICKER THAN MONEY. What's sad is, yung mga taong hindi marunong tumanaw ng utang na loob. Osige, kahit hindi utang na loob na lang. Respeto na lang sa nakatatanda niyong kapatid, na tumulong, nagpaaral, nagbayad sa kasal, pagpapabahay, mga pagpapaanak, mga pangsugal at mga kapricho ninyo, at kung ano-ano pa. Kahit para sa pagkakapatid, or pagiging anak niya na lang sa inyo, nirespeto niyo siya, at ang pamilya namin. As her daughter, it hurts to see mom crying because of that issue. It hurts to see dad, na namomroblema at nag-iisip, nakatingin minsan sa kawalan dahil dun. 2010 na mamaya. Just for the sake of this new year, sana naman magbago na kayo. Kahit di para sa amin. Para sa mga sarili niyo na lang. Tutal, mga makasarili naman na kayo. Starting this year, wag na wag na kayong aasa ng kahit na ano mula samin. Galit ako sa inyo. Galit na galit, sa mga ginawa ninyo sa pamilya ko.
Whews. I got carried away, sorry. I can't help it. Anyway, blog ko naman to, so who cares. :P
I may lost some, but I know that God has better plans for me, and the rest of my family, so keri pa din. :p
Goodbye 2009, and hello 2010. Sa pamamaalam natin sa taong 2009, gusto ko na pakawalan lahat ng mga bagay na nagpasama sa loob ko, mga bagay na nagpagalit at nagpainis sa akin. New year, new start, new life. Thank you Lord, Jesus, for everything that You are giving us. Thank you kasi mapalad pa din kami. Hindi Mo kami pinababayaan. I know, there are times that I commit sin, na I can't help it. Sorry. Help me, and guide me to change this, all the attitudes that I need to change for me to be a better Trina. :)

I love You, Lord, Jesus! Thank you for the year 2009, and thank You for more years to come for me and my family! Thank You for this coming 2010, and everything. I love you Lord!
(okay, so this ends up my blooooooooooooooooooooog na mahaba na, obviously. Haha. As you can see, wala akong new year's resolution. Wala. Wala. Wala. And I'm leaving it that way.)
Happy new year guys! Happy 2010!

No comments :

Post a Comment

Without using your Facebook account