PARA SA INYO TO, NENG, DUDUNG AT ATEH. (at sa kung sino pa man ang makakarelate. Wag na magtanong kung sino. TY. ^_^)

Pa-isa lang bago ako matulog. Makikisimpatiya lang po sa kaibigan ko.
Neng, kung ikaw may gusto pero pinakawalan mo na nang matagal na panahon pa ni kopong kopong, wag mo na balikan. Wag na, lalo pa kung may iba na si Dudung. Nakailan na si Dudung, umalis alis ka na. Makuntento ka na sa buhay mo jan, successful ka naman na, diba? Hayaan mo na si Dudung at si Ateh. Por que alam mong may kabig ka ke Dudung, sinasamantala mo naman ang kawawang bata. Si Dudung naman, oo lang ng oo, nagpapakabig naman por que IKAW ANG PERS LAB. Naman Dudung. Kung may Ateh ka na, kay Ateh ka lang. Tanggalin mo na lahat ng tungkol ke Neng. Di mo lang alam kung gano mo nasasaktan si Ateh. Di lang nagsasabi sayo, para wala nang gulo. I'm speaking in behalf of this girl who's close to me.

MESSAGE FOR NENG:
Neng, umayos ayos ka. Di ako natutuwa sayo sa totoo lang. Una pa lang. Ayoko ng kaaway, pero pag napuno ako sayo, makikita mo. kahit sang lupalop ka naroroon, hahantingin kita. Wala kong pake kung pabago bago yang isip mong magulo, kung gusto mo makipagbalikan ke Dudung o gusto mo magpakasal kayo. Respeto na lang kay Ateh. Hindi por que malakas ang kabig mo ke Dudung, sasamantalahin mo na. Lubayan mo na. Kung si Dudung ang lumalapit sayo, layuan mo. Wag ka na magpakita ng motibo ke Dudung. Kasi si tanga, baka maniwala. Mapikot mo pa. Pano si Ateh? Marunong ka naman siguro mahiya di ba? Edukada kang tao. In fact, anjan ka nga para magaral. Gamitin mo pinagaralan mo.

MESSAGE FOR DUDUNG:
Dudung, kung talagang nasa right age ka na, malamang alam mo na din kung ano ang RIGHT sa WRONG diba? May syota ka. Mahal ka ni Ateh at sabi mo mahal mo din siya. Kung talagang mahal mo siya, TANGGALIN MO LAHAT ng makapagpapasakit sa kanya. Kesyo mga text messages, lab notes, emails, chat archives, o ano man yan. Di mo ba naisip na maaaring makita yon ni Ateh? Di mo ba naisip na maaaring masaktan si Ateh sa mga mababasa niya? Besides.... Bat nakasave pa? TREASURED? IMPORTANT? DELETE DELETE DELETE! Alam mo naman siguro meaning niyan diba? Kung sa tingin mo iyan ay maliit na bagay lang, di ako magsesentimyento ng ganito para ke Ateh. Yang nakaraan niyo ni Neng, nakaraan na yan. Gudbay na dapat. BABAYOOO! Edi sana kung mahal mo si Neng at gusto mo talaga siya, sana di mo na pinaasa si Ateh. Sana di mo na lang sinabi na mahal mo si Ateh. Kawawa naman yung tao. Umaasa na lab mo, di naman pala. MAGING HONEST KA NAMAN DUDUNG! Kalalaki mong tao. Di naman mahirap magpakatotoo at magpakahonest sa sarili eh.

MESSAGE FOR ATEH: (Alam mo na kung sino ka. Alam ko din na mababasa mo to. Sana sumapul sayo at itatak mo jan sa kokote mo dahil pipilitin kong huling beses na to para magsalita ako ulit ng ganito. AYOKO NG PAULIT ULIT, NAPIPIKON NA KO.)
Ateh, hindi masamang maghalungkat ng mga bagay bagay na nakabaon na sa nakaraan. Pero kung alam mo namang makakasakit lang sayo, bakit mo pa hahalungkatin? Nagsayang ka lang ng effort sa paghahalungkat, sinaktan mo pa sarili mo. Wag ka na masyado magisip ng kung ano ano. Kung mahal ka non, mararamdaman mo. Ikaw, higit sa kanino man ang nakakaalam kung mahal ka talaga ni Dudung. Ang tanong. Mahal ka nga ba ni Dudung? Kasi kung ako, kung mahal mo ko, kakalimutan mo lahat lahat sa nakaraan. Ako present mo, so ako lang intindihin mo. Ewan ko kung parehas tayo Ateh, basta eto ang akin. KUNG AKO, AKO LANG. KUNG SIYA GUSTO MO, EDI DUN KA. Pag iniwan mo ko, wala nang balikan. Sana ganyan din motto mo Ateh. Sana tumatak sa isip mo to. Tulad ng sabi ng isa kong kaibigan, WAG MO ISIPING KAYO NA TALAGA FOREVER. MAGTIRA KA SA SARILI MO KAHIT 50%. Bata ka pa. Marami ka pang makikilala. Wag mong isipin na siya na talaga. Makikita mo. Pag cinonsider mo yan, pasasalamatan mo mga taong nagadvice sayo na gawin yan. Epektib. Based on experience.

HAYS. KAYA AYOKONG NAGCOCOMPUTER NG MADALING ARAW EH. Ang dami kong nalalaman. Naisesentimyento. Napagninilay-nilayan. Pasensya na sa mga makakabasa ng blog na to. Pero kung naintindihan niyo o nakarelate kayo, sana itatak niyo sa mga isip niyo. Ang past, nakaraan na. Pwede pagusapan pero wag na magpaapekto. Besides, walang ibang mahalaga kung di ang ngayon. Ano ba naman ang magagawa mo sa past? Mababago mo pa ba yun? Hindi, diba? Isa pa, eto lang. WAG KAYONG PAASA. Kung di niyo mahal, wag kayo magpakita ng motibo. Kung may pagkatanga yung isang tao jan eh natural maniniwala agad yun. Pangalawa. Kung may mga syota na kayo at nagbigayan kayo ng password at email niyo sa isa't isa, please lang. Siguraduhin niyong wala nang bakas ni NENG ng nakaraan dun. Dahil tiyak na away kayo. Or kung hindi naman madaling magopen, tulad na lang ni Ateh, eh mas mahirap. Mas mahirap magreach out sa taong hindi nagsshare ng sama ng loob. Hindi niyo siya madaling maiintindihan.

NENG, DUDUNG AT ATEH. LAHAT KAYO MAY MALI. BAGUHIN NIYO. SANA MATUTUNAN NIYO NA DAPAT NIYONG MATUTUNAN. >_<


Enough said. Baka naman pagkabasa niyo neto eh iba isipin niyo sakin. Payong kaibigan lang yan. LESSON LEARNED na din para sa sarili ko, at pwede na rin sa inyong mga makakabasa neto. Yun lang.
Goodnight sa inyo.

2 comments :

  1. naaliw ako sa blog mo kahit alam kong based on true story... oo nga mahirap yung ganyan,
    pero ganun talaga pag inabot ka ng love na matindi, bulag, bingi at pipi ka... anyways, ipakilala mo nga ko ke ATEH... malay mo! -ako si KOYA

    ReplyDelete
  2. WAHAHAHA.
    Natatawa talaga ako dito, kay Koya. =))))

    Hayaan mo Koya, pag naging single na si Ateh, papakilala ko siya inyo. Hahahaha! ;)

    ReplyDelete

Without using your Facebook account