FUNNY YET TRUE.


"Sabi nila, pag daw gwapo ang lalake, maganda ung gf.. almost perfect pa nga daw.. pero pansin niyo, pag ang girl ang maganda, hindi lahat ng nagiging bf nya gwapo, diba? ang girl kasi, mas tinitingnan yung ugali than looks. pero ang boy, basta maganda, at malaki ang chorva, kahit ugaling impakta at utak shunga-shunga, ay pwede na!"


(via khukee)
Well this is true. Karamihan kasi sa mga girls, mas gusto ang tumingin sa ugali ng isang lalaki. Sa kung pano siya mamahalin at itatrato. Kasi para sa mga girls, aanhin mo pa yung gwapo, na pwede mo ipagyabang at ipakita sa buong mundo, kung pano ka naman itrato eh parang basura? Diba? Tayo kasing mga babae (yung iba/karamihan), tumitingin tayo sa panloob na anyo. Sa ugali. Kung mabait at gwapo pa eh bonus na lang din yun. Most of the time kasi sa mga babae, sasabihin na gusto nila sa lalaki eh gwapo, matangkad, yung puro physical lang ang tinitignan. Pero kapag may dumating naman na guy, na kahit hindi pasok sa physical requirements, basta mabait, maalaga, at nirerespeto ka, lalo pa kapag pinakita at pinaparamdam niya talaga sayo kung gano ka niya kamahal eh yun na ang simula. :)
Ang mga lalaki kasi, mga visual creatures daw. Kaya wag na tayong magtaka kung bakit mahilig sila sa mga magaganda, sexy at kung ano ano pang puro physical lang, kasi natural na sa kanila yun eh. Yung tipong kahit pangit ang ugali, basta maganda eh papatusin na. Kasi pure physical lang naman ang habol niya dun eh. Yung appearance ang ginusto, hindi yung tunay na ikaw, yung ugali mo.
Aanhin mo ba ang may maganda/gwapo o halos perpektong hitsura at katawan, kung kapag nakakasama mo naman eh pangit ang ugali? Yung hindi ka kaya irespeto, at itrato bilang isang tao. Pag puro physical lang kasi, hindi yan magtatagal. Pano kapag nagkaroon ng aksidente, at nasira ang asset mo, ang mukha o katawan mo, wala na. Kaya dapat, marunong din tayong tumingin sa panloob na anyo. Hindi lang puro physical. Kasi ang hitsura, madali lang yan. Sa panahon ngayon, napakadali nang magmukhang gwapo/maganda. Hindi yung pagpaparetoke ang tinutukoy ko. May mga damit diyan, na pwedeng bumagay sayo at lalo kang magmukhang kanais-nais, babae ka man o lalaki. Magpabango ka. Panatilihin mong lagi kang malinis sa katawan at hitsura. Karamihan kasi sa mga tao, ang tingin sa mga malilinis magdamit o ang hitsura, eh gwapo o maganda na rin tignan. Diba?

Ayun. Napa-blog na naman ako nang hindi oras. Hahaha. Hindi ko kasi maiwasang hindi masabi yung opinyon ko tungkol sa mga bagay bagay sa paligid ko. Credits to Cookie, for the quote she posted a while ago. :)

2 comments :

  1. azteg netoh ah. lahat tama. ^^,
    galing ng utak mo kat. heheh. puro words. marami din akong gustong isulat, yun nga lang, tamad ako. tas di ko pa maexpress ng tama :D

    two thumbs up to this! :)

    ReplyDelete
  2. Hahahaha! Practice lang. ;) Wala kasi akong magawa kaya ayan. Nagreact ako sa post mo. Ayun. Thank you! :D

    ReplyDelete

Without using your Facebook account