I miss you Lola! :)


That’s my Mama Betty (Lola) on the right. Taken last week, noong umuwi sa province namin si Mommy at Daddy. Hmm, napanood ko kasi si Lola Lourdes sa episode ng PBB tonight. Ayan. Namiss ko tuloy si Lola ko. :)
Naalala ko, last time na nagkita at nagkasama kami ng lola ko, nung November. Nung nawala na sa amin si Papa. Every day, every night may kantahan at sayawan. I remember, when Mama first heard me sang. She went out the door then acted as if she heard something unusual. Then nakita niya akong kumakanta. I came from a family of musician (srsly, jst sharin). Every single member of my family from Mommy’s side, know hows to sing, or at least play some intruments. In my 18 years, nun lang ako nakita ni Mama kumanta. Kinakabahan ako, kasi baka di ko mameet expectations nila. Natuwa naman ako, kasi kahit na nahihirapan maglakad noon si Mama, lumapit siya sa amin. Habang papalapit siya, nakapikit siya at pinapakinggan yung pagkanta ko. Noon niya lang kasi ako narinig at nakitang kumakanta. Tapos, she acted as if she was a conductor for a concert, doing a 4/4 beat something? LOL, I forgot. Tapos nakita ko, nakangiti at masaya siyang nakatingin sakin. Natuwa ako. Kasi noon ko lang nakita Mama ko na proud na proud sa akin. Grabe ang saya saya saya saya ko noon. :) Medyo nalungkot nga lang ako kasi, hindi na ako nakita at narinig ni Papa na kumakanta noon. I’m sure, mas matutuwa siya.
Oh well. Bigla ko namiss talaga si Mama, lalong lalo na si Papa. Though minsan lang talaga kami makapagkita at makapagsama, mahal na mahal ko sila. Kung pwede nga lang dito na sila samin tumira. Haha. :3
Just sharin.

No comments :

Post a Comment

Without using your Facebook account