LOL. What's wrong with these Anonymous thingy on Tumblr, srsly?

Image and video hosting by TinyPic

Okay, so like what Kuya Chris said, "haters gon' hate.. that's what they do. lovers gon' love.. and that's what we do!!!". What's happening with Tumblr lately, eh? Okay so hindi na lingid sa kaalaman ko na marami talagang haters, specially sa Tumblr dahil inaabuso nila yung Ask feature don, lalo na yung pagiging Anonymous. Nakakatawa na lang kasi pati pala ako nadamay. LOL. Hindi naman ako sikat, or kilala sa Tumblr, like others (I won't drop names) para magkaroon ng hater eh. Kaya ako natatawa kasi, simple lang naman ang reason ko for joining Tumblr. Like my reason for signing up for an account here in blogger--and that is to blog.

Srsly, why would people ask me to go and leave Tumblr? Why, sa kanila ba yun? Lalong lalo na, sino ba sila para utusan ako na umalis sa Tumblr? First of all, hindi naman sila ang reason ko sa pagjoin ng Tumblr. Hindi ako gumawa ng account dun para iplease ang mga tao. Gumawa ako ng account dun, para magblog. Para maexpress ko ang sarili ko. Like, wtf. Hahaha, natatawa na lang ako tuwing magugulat ako sa mga maglleave ng message sa Formspring at TumblrAsk ko. I could have deleted those messages if I want to, but nah. I choose to post it. Why? Para malaman at mabasa ni Anonymous na natatawa na lang and at the same time, naaaliw na din ako sa mga messages niya. Harsh. LOL.

Add the fact na pinipilit niyang pangit ako, and caps lock pa lahat ng messages niya. Plus the fact na pinipilit niya na kamukha ko daw si Tricia ng PBB? Whattaheck. Googled her, and honestly??? Hindi ko naman siya kamukha talaga. Wala akong makitang resemblance. I know that she has her own identity on TV na, but I won't tell na kamukha ko talaga siya coz I know na hindi naman talaga. HINDI KO TALAGA SIYA KAMUKHA. SWEAR. You can say na kamukha ko siya, prolly cuz of her hair, which happened to be long, like mine, but really, hindi ko siya kamukha. Dahil tuloy don, yung mga haters ni Tricia, pati ako dinadamay. Dahil kamukha ko daw si Tricia, pati sakin may nagagalit na. Hahaha. Funny are those people, really.

Well well, kung may mga haters, may mga tao namang sumusuporta sakin. Especially my followers at Formspring and Tumblr, na kahit hindi nila ako personally kilala, sinasabi nila na wag ko daw pansinin yung mga haters, at hindi sila sumasang-ayon na pangit daw ako. Hahaha. Personally, I don't mind kung sabihan akong pangit, kasi opinion naman nila yun, at nirerespeto ko yun. Pero yung paalisin ako sa Tumblr, na hindi daw nila ako kailangan don eh, nakakatawa talaga. Alam ko naman na I can't please everyone, kaya tanggap ko na magkakaroon at magkakaroon talaga ako ng haters. Actually, sanay na ako sa mga haters na ganyan, or simply people na sadyang ayaw lang talaga sa akin, through the years, I've learned how to deal with them. Wala lang. Basta wag mo lang sila pansinin. Kasi kapag pinansin mo sila, lalo ka lang nila aasarin dahil alam nila na umepekto sayo yung pangbubwisit nila. Naapektuhan ka eh. Kaya iinisin ka lalo nila. Yun naman ang goal nila eh. Ang gawing miserable ang buhay mo sa pamamagitan ng pangbubwisit nila, sa kadahilanan na ayaw nila sayo. Muntanga lang noh? Haha, ewan ko ba, pero sadyang may mga tao lang talagang walang magawa sa buhay kaya nakukuhang manginis ng iba. What to call them? Losers. Big time losers.

Oh well. This will be the first and last time na magsasalita ako online about this thing. Wala na rin namang sense kung paulit ulit pa akong magbblog para sa isang bagay na alam kong paulit ulit din namang mangyayari sakin.

Haters gonna hate. K, so just do your thing, wakopakels sa inyo. Libangin niyo lang ako hangga't gusto niyo yang ginagawa niyo. Pero pag may time kayong mga Anonymous, sana naman, magpakilala kayo. Para naman masilayan ko kahit saglit ang taglay niyong ka-perpekto-han bilang isang tao, kung tao nga ba talaga kayo. Ingat ingat. :)

No comments :

Post a Comment

Without using your Facebook account