"Internet"

Paggising sa umaga,
bumangon na agad sa kama
Nagtungo sa sala,
sa kompyuter naging abala.

Nagbukas ng Chrome,
di alintana ang gutom
Pindot dito, pindot don
at inabot na ng hapon.

Nag-Twitter, nag-Facebook,
di alintana ang alikabok
ng librong nakaisang tabi
at inabot na ng gabi.

Sa wakas ay inantok
pagtapos nagising sa tilaok
Nagkukumahog na nag-ayos
pagdating sa skwela'y nakaraos.

Nagkaroon kami ng pagsusulat last Tuesday para sa subject kong Filipino. Grabe yun. Buong oras namin eh pinagsulat lang kami. Pasalaysay, paglalarawan, malikhaing tula/maikling kuwento, at pagbabalik tanaw. Naisip ko, kung gagawa ako ng maikling kuwento, paniguradong mahaba yung magagawa ko at kukulangin ako sa oras, kaya naman malikhaing tula na lang yung ginawa ko. On the spot yun. Buti nakaisip ako agad. "Internet" yung unang unang pumasok sa isip ko na gawan ng tula. Yan kasi yung cycle ng pang-araw araw kong buhay kaya hindi naman ako nahirapan sa paggawa. Besides, I love writing, kaya naenjoy ko yung activity namin sa Filipino. :) Bukas, may klase na naman kami sa Filipino at magsusulat na naman kami. Isang kalahating oras na naman ng pagyuko at pagsusulat.

No comments :

Post a Comment

Without using your Facebook account