"HUWAG MAGHANGAD NG HINDI MO KAYA."


Face to Face’s episode kanina should be a lesson to all social climbers. Makuntento sa kung ano ang meron at kaya natin. Huwag maghangad ng labis, magtiyaga tayo sa kung ano ang nasa harapan natin. Kung may sosobra, magpasalamat sa Diyos sa biyayang binigay Niya, then make the most out of it. Hindi natin kailangang makipagsabayan sa kung ano ang “in” o uso ngayon. Hindi natin kailangang gumasta ng gumasta, laging magsuot ng uso, at magmukhang maganda palagi ng gumagastos ng gumagastos, lalo pa kung kapalit naman nito ay ang pagkagipit. Aanhin mo ang mga luhong yan, kung pagkatapos naman nito ay magigipit ka? Alam mo nang kinakapos na kayo sa mga pangangailangan sa pang-araw araw, nakukuha mo pang bumili ng mga luho. Mga gamit na kaya mo namang mabuhay ng wala yan. Matatanggap at magugustuhan ka naman ng karamihan kung magpapakatotoo ka. As long as may mabuti kang kalooban at hindi mo sinasaktan ang damdamin ng iba, di ba. Hindi mo kailangang magmukhang bongga, o maging isang social climber, para lang magustuhan at tanggapin ka ng mga tao sa paligid mo.
Aminin man natin o hindi sa ating mga sarili, may mga tao talagang ganito. Maaaring kaibigan mo, kakilala, kapitbahay o kung sino pa sa paligid natin. Nakakalungkot lang kasi isipin na may mga katulad nila. Nahihirapan na nga financially sa buhay, pinipilit pa mag-fit in para para lang tanggapin ng karamihan. Wala na nga halos pagkuhaan ng maipanggagagastos, pero nakakagawa pa rin ng paraan para mabili ang mga luho. Ang masama pa nito, mangungutang kung kani-kanino, tapos pag bayaran na eh magkakalimutan na. Kumbaga, yung inutangan mo pa ang mahihiyang lumapit sayo dahil sa sobrang hirap mo hagilapin para lang magbayad. Okay lang naman ang mangutang o manghiram kung gipit ka na talaga. Pero sana man lang, kung gano ka kagaling mangutang, ganoon ka din kagaling magbayad ng hiniram mo. Para naman if ever sa susunod eh kapusin ka, may mahihiraman ka pa kung sakali. Paggalang naman, bilang mga umuutang sa nagpautang.
Btw, mapapanood niyo yung replay ng episode na pinalabas kanina sa Face to Face. Mamayang 11 pm yata? At TV5. :)

No comments :

Post a Comment

Without using your Facebook account