Is it worth it?


I have this friend of mine, who’s currently in a relationship with someone. They’re almost 2 years now, pero on and off. Ang dami nang pinagdaanan ni girl. Lahat na ng sakit na puwede niya maranasan sa isang relationship, nangyari na. May mali din si girl, pero mostly, it’s the guy’s fault. Other girl, attitude problems, chic-magnet, family issues (mga away, di pagkakasundo ng family ni guy kay girl), and a lot more. But up to now, the girl is still holding on to that guy. Wondering why? Maybe because of love. Maybe, because ofpanghihinayang na lang din.
She’s confused. Pero simula kasi ng maging sila, laging problemado si girl. Habang siya hirap na hirap, si boy nagpapakasaya. Laging kasama si tropa, iniiwan iwan lang si girl. Kapag may family affair, iniiwan lang din si girl sa isang tabi. Out of place. Alam naman na ni boy na galit/hindi okay yung mga kapamilya niya kay girl, iniiwan pa din. Pero naisip ko, worth it naman sana yung lahat ng sacrifices niya, as long as sa bandang huli, ipaglalaban din siya ng guy. I know, it’s not unconditional when you love someone because you want to receive something in return, or you want to receive something from the other. Pero kasi, I’m more on the practical view. Bakit ka pa magpapakahirap ng 2 taon, kung alam mong puro ikaw lang ang nag-eeffort tapos yung isa, willing bumitaw kahit kailan?
Coz hey. It’s so unfair for the girl. Lalo na kapag marami na siyang sacrifices. Pag ilang daang beses na siya nasaktan, and all that. What makes it harder is the fact na kahit turingan nila sa isa’t isa ay mag-asawa na, meron pa rin palang fiancee yung guy. Like, it was already planned for by the family of the guy. Para maging US citizen daw si guy, magpapakasal sa US. Sounds familiar, kasi parang ganun din yung story sa In Your Eyes starring Richard Guttierez, Anne Curtis and Claudine Barretto. Naisip ko tuloy habang kinukuwento niya sakin yon, “WTF? So ano ka sa kaniya? Pampalipas oras habang hinihintay siyang maka-graduate at magpakasal sa iba para lang sa dahilan na maging US Citizen?” Urgh. Then the girl said, “Eh matagal pa naman yun eh. Marami pang puwedeng mangyari. Malay mo, mauna ko sa kaniya, makapunta na ko sa ibang bansa, tapos tutulungan ko na siya para maging US citizen. Tulungan kami.” Natameme na ako.
Iba kasi yung fighting spirit ni girl. Kahit na durog na durog na siya, tuloy pa din siya sa paniniwala na kaya pa niya panindigan yung relationship nila. Kung ako kasi yung nasa place niya, aayawan ko na. The fact na mas marami pang ibang guy na mas better sa kaniya, eh dun pa lang totoo na e. Pano pa sa dahilan na hindi ka naman niya tinatrato ng tama eh. Girlfriend ka. Hindi ka katulong, alila o utus-utusan, assistant o ano pa. Okay lang naman maging martir, kung alam mong ginagalang ka pa din nung taong yun.Pero once na wala nang respect, kahit gano ka pa napapasaya niyan, kung wala naman non, goodbye na.
Girl, you’re too young to settle. Too young to make final decisions. Too young to make a choice. There’s plenty of opportunities and guys in the future. I’m telling you this for the hundredth time.
He’s not worth it.

No comments :

Post a Comment

Without using your Facebook account