Sometimes, it’s not the number of gifts nor amount that matters. It’s the number of good memories that you’ll treasure.


Aanhin mo ang napakaraming regalo, kung pinaplastik ka naman ng nagbigay non. Aanhin mo ang mga mamahaling mga regalo, kung binabackstab ka naman din pala nila. Para sakin, di bale nang walang regalo, basta maayos at maganda ang pakitungo sakin. Di lang basta maayos at maganda, kundi totoo. Pero para sa iba na wala na ngang regalo ever since at puro konsumisyon pa ang dulot…. Hmm. No comment. Bahala na si Lord sa kanila. :p

Thank You to my true friends (now I know who they are. Through thick and thin, problems and happiness. If those things did not happen, I will not be able to find out who they are) for believing in me, and for not judging me. For being there, when I needed someone to confide in to. For supporting me and wishing the best for me and my loved ones. Thanks to you guys, I am better now. I promise, hinding hindi ako papatol sa hindi ko ka-level. :)
Thank you to my Mom, kahit na nagaway kami big time, I’m sure, naiintindihan niya pa rin yung pinanggagalingan ko. Kahit na nitong mga nakaraang araw, hindi kami good terms… Medyo okay na ngayon. Paguwi ko, imbes pagalitan niya ako, ginising niya ako para kumain, dahil masama daw matulog ng gutom. Thanks Mommy, kahit kunsumisyon din ang dulot ko sayo minsan, alam mo at wag mo kakalimutan ang promise ko na hindi ako tutulad sa iba. Magtatapos ako ng pag-aaral ko. I’ll make you and Daddy proud.
Thank you to my bibi sister na kahit napakakuripot, willing magbigay ng regalo sakin kahit ipamimigay na dapat sa charity. Joke! Thank you, kasi pag umiiyak ako, ikaw lagi nakikinig at tagapatahan sakin. Pag umiiyak ako ng sobra, binibigyan mo ko ng tubig para kumalma ako. Thank you kasi cute ka. HAHAHA! Sana, wag ka na pasaway at inaaway ako. Kasi nakakapagod. You know. =P
And most especially, thank you to my one and only sweetheart—ang kagroup ko sa mga school works ko, bestfriend, Mom/Dad, kapatid, boyfriend, lahat lahat na. Tulad nga ng sabi ko, complete package. Wala na kong hahanapin pang iba. Ikaw pa lang, solve na solve na ko. Maraming salamat. Kasi kung hindi dahil sayo, di ako ganito ngayon. Basta. You know what I’m talking about. Thank you for being my happiness, and sticking with me even though I got tantrums. Sorry for being childish minsan, but thanks for understanding me. I love you so much, and I know you know and feel that already. Thank you for always being there. Especially during those times na kailangan ko talaga ng makikinig sakin. Thank you! Thank you ng madami. And syempre, TGIF. Thank God, I Found you!
Thank You po Lord, sa mga taong tanggap ako sa kung sino man ako. Kilala ako at hindi ako hinuhusgahan. Thank You po sa kung ano man ang meron ako at kung ano man ang narating ko ngayon. Kung hindi po dahil sa Inyo, Oh Lord, wala po ako ng lahat ng ito. Thank you very much Lord. You are indeed very good to me. Thank you to all those people who greeted me, they all know who they are. To you guys, thank you very much for remembering me. For spending a few seconds by dropping by my page and greeting me through my Facebook wall, chat, and message. Thanks, you guys! Mababaw lang akong tao. Kaya ultimong greeting mula sa kaninoman, masaya na ako. :)
Thank You Lord, for my 19 years of existence and counting. I’m sorry po sa lahat ng kasalanan ko, I promise I’ll do better in the next years. Thank You po, kasi graduating na ako. Thank God! Kung di po dahil sa Inyo, di ko talaga mararating to. Thank You Lord! Big time! :)

Indeed, a happy birthday. Thank You Lord! And to all those who remembered and greeted me on my big day! ♥ Next year, di na ako teenager, at graduate na ako! :D

No comments :

Post a Comment

Without using your Facebook account