Bago ang sarap at saya, hirap at pagod muna.

     And by that, I mean, bago ang sarap ng paghilata sa bahay maghapon at saya ng bakasyon ko from Monday-Friday, hirap ng trabaho muna ang inabot ko kanina. Kaya eto ako ngayon, pagod at parang hinihika dahil sa mga ginawa ko kanina sa office. -__-

     Nasugatan at nagdugo lang naman yung middle finger ko sa kaka-file ng libo libong mga Repair Orders, Internal Repair Orders at Warranty Invoice mula sa 2 malalaking metal drawers na matangkad pa sakin. Nabagsakan lang naman ng mabibigat na kahon ang kamay at paa ko sa kakalagay ng lahat ng mga 'yon sa mga kahon, kasi mag-isa ko lang ginagawa yun at hindi na ako nagpatulong sa kahit na kanino kasi nakakahiya. Kanya-kanyang trabaho. Bukod pa dun, nirerecord ko pa sa Excel lahat ng series numbers. And, no. I am not clumsy. Hindi lang talaga ako sanay sa mga mabibigat na gawain. Kasi nga, tamad ako minsan. Kaya eto na siguro ang pinakamabigat na nagawa ko for this year as of now. Kaya eto ako ngayon, hinihika, at maya maya eh magne-nebulizer. -.-"

     Sa kabuuan, nakapag-file ako ng 5 kahon--1 malaki na kalahati o mahigit sa kalahati ng height ko ang taas; 2 medium size, at 2 small na kahon. Kamusta naman. Nahiya naman kasi ako magpatulong, lahat sila busy. At isa pa, ako kasi yung tipo ng tao na hangga't kaya ko, sosolohin ko at hindi ako hihingi ng tulong. So kahit na hirap na hirap ako at halos matumba ako sa kakabuhat ng isang kahon na more than 5 kilos ang laman. xD

     Anyway, ginawa ko na lang din yun at kinaya ko, kasi last day ko na bukas at half day pa ako. Oo nga at walang suweldo, pero pakikisama na lang din since naging mabuti din sila sa akin. Kanina lang, bigla na lang nag-pop out sa isip ko sa kalagitnaan ng paghihirap trabaho ko, "Ang dami ko namang ginagawa, kakapagod! Pero... Panigurado, mamimiss ko 'to. Pati yung mga taong mga concern sa akin at tina-try yung best nila na mapatawa at mapangiti ako, kahit na hindi talaga ako madaling mapangiti at tawa doon. Ma-mimiss ko yung tuwing break time ng alas tres at may pa-meryenda na mainit na pan de sal na may palamang peanut butter o kaya naman ay liver spread, at lalong lalo na ang pinakalatest kong natutunan at natikman--sardinas. Pati yung pagpipilit nila na anak mayaman daw ako at kahit i-deny ko, ayaw nila maniwala. :)) Pati yung pangaalaska sakin na akala naman nila e uubra. Haha. At lalong lalo na, ang panonood ng movies sa cable tv at flat screen, soundtrip maghapon, ang panay kain ko pag walang magawa o inaantok ako, at higit sa lahat, ang pagtulog ng nakaupo sa desk ko from 12 noon til 1 pm. First time ko matulog ng nakaupo at di ko akalaing kakayanin ko palang gawin yun sa araw araw. At syempre, ma-mimiss ko din yung mga gawain kong mabibigat--pagaayos ng shelf ng mga Repair Orders, at iba pa."

     Tulad nga ng sabi kanina ng isang Service Admin sabay ngiti, "Oh Trina, kamusta ang pagiging bodegera? Di ka ba napagod?" Haha. Ayoko namang magsalita kanina, baka isipin nagrereklamo ako. Kaya ngumiti na lang ako. :))

     Mahirap pala magtrabaho. Siguro, wala pa 'tong dinanas ko sa kalingkingan ng ibang nagttrabaho. Ikaw ba naman sa katayuan ko--maya't mayang kain, tulog, nood sa flat screen na naka-cable pa, soundtrip, tapos konting gawain, tapos 15 minutes away lang sa bahay niyo, mahirapan ka pa? LOL. Although mas mae-enjoy ko sana kung mas madami ang ginagawa kong office-related work, kesa sa mga yun. Kasi gusto ko maexperience yung maraming trabaho.

     Bukas, last day ko na at work and till now, di ko pa din alam kung pano ako magpapaalam. I hate goodbyes. Kahit ano man yan, basta pamamaalam, ayaw ko. Kaya hanggang ngayon, di ko alam pano ako magsasabi sa kanilang lahat na last day ko nsa work. For almost 3 months, sila nakasama ko. Di ko masasabi na close ko sila, pero masasabi ko na mabuti din naman ang pinagsamahan namin. Thank You Lord, patapos na po ako sa OJT ko. Kahit madalas walang tulog at palagi akong tardy. HAHAHAHA! 4 hours left... Yeyyyy~ :">

No comments :

Post a Comment

Without using your Facebook account