Online Enrollment for my Last Semester in College: ☑


WHOA. Ang tagal ko na palang online dahil sa kakaasikaso ng online enrollment na to. XD


          Ang tagal kong naghihintay kagabi para maging October 29 na, kasi para maiwasan yung traffic na maaaring mangyari kasi nga dagsa ang mga magoonline sa portal, since online enrollment nga on the 29th. First day of enrollment, na nakaschedule naman kasi para talaga sa college namin, according to this:


          I waited til 3 am, pero wala. Disabled talaga. Akala ko kasi, por que October 29, by 12:01 am pwede na mag-enroll. Mali pala ako. From 12:30 am to 3:00 am, naghintay ako. Kaya while waiting, I decided na aayusin ko na lang muna ang schedule ko and my two good friends. Inayos ko na din ang schedule nila para naman wala na rin silang iintindihin pa, at di na kami mahahassle. Wala nang hanap hanap ng schedule bukas, enroll na lang talaga.



          I only have 3 subjects left before I graduate--Ethics, Prodman and Strama, since tapos na ako sa 5 electives. Originally, Monday and Friday lang ang pasok ko. Eh parang ayaw ko naman yata ng 2 days lang ang pasok ko sa isang linggo. Last semester ko na nga sa DLSUD, tapos titipirin ko pa yung araw ko sa school. Since nung 1st sem eh OJT ko, at 2 lang ang subjects ko tapos parehas Saturday pa, once a week lang ako nasa school. I thought maybe this sem naman e magbawi bawi ako ng time sa campus. Haha.

          By 3:30 I am already in bed. Trying to get some sleep, kahit na alam kong kelangan ko rin gumising ng maaga para makapagenroll, since disabled pa rin kahit October 29 na. Pero to my dismay, di ako makatulog. By 5 am, gising pa rin ako. Inabutan ko na nga yung segment ni Chico Garcia and Gino Quillamor sa radio, kaya lalong di ako makatulog. But thank God, mga 5 am, nakatulog na pala ako.

          Bago matulog, nagbilin ako kay Mommy, sister, and my two good friends na gisingin ako ng 7 am dahil mageenroll ako online. But again, to my dismay, nagising ako ng past 9, and poof! Paggising ko, ang bagal na ng online enrollment, and yung kapatid ko, katatapos lang magpreregister. WTF RIGHT. Almost 5 hours lang tulog ko, tapos paggising ko, malalaman kong ganun yung portal at tapos na magenroll kapatid ko.

          But nagtiyaga pa din ako, despite the fact na sobrang bagal ng portal, like SOBRA. A lot of students--my blockmates, and friends from other courses pero CBA pa din, they were also complaining. I've read a lot of rants at Facebook about the online enrollment. Well, I can't blame them. Naiintindihan ko sila, kasi yun din ang nararanansan ko. Sa sobrang inis ko pa, nagwallpost na ako sa page ng online enrollment ng school. Last semester ko na kasi to sa college, sobrang hirap pa ang dinanas ko at ng mga kabatchmates ko.


       Sino ba namang hindi maiinis sa napakabagal na pagloload ng portal. Pano, yung ibang mga estudyante pala na hindi naman talaga scheduled magenroll online today (kasi for CBA students lang talaga today eh) eh nagpupumilit magenroll, kaya lalong bumabagal yung portal. Kulang na lang bumigay yung server sa sobrang bagal eh. Kung hindi ka malologout, eto na lang magaappear sa screen mo:


          Sa sobrang kainisan ko pa, syempre, di ko mapipigilan magpost na sa Facebook. Isa lang ako sa daan daang nagrereklamo sa Facebook. Sama mo pa Twitter.


          But once again, if it weren't because of my hero, malamang hanggang ngayon di pa ako enrolled. Siya kasi ang pinakanakatulong sa akin--sa amin, sa pageenroll, since di hamak naman na mas mabilis connection niya kaysa sa akin. Thank God for him, okay na ang schedule ko and ng 2 ko pang mga kaibigan. :D



          Sa halos isang buong araw na online ako, sa wakas, may ibinunga namang maganda ang paghihintay at pagtitiyaga namin ng Hubby ko. Whew~


          Thank God for this. Thank God for sending me an angel to help me survive and finish this one heck of a day for an online enrollment. Sana lang talaga, hindi na maulit to. Lalong lalo na sa mga mageenroll bukas. Ang mapapayo ko na lang sa inyo guys, fellow La Sallians, pag may tiyaga, may nilaga. Kung walang nilaga kahit nagtiyaga, tumawag na kayo sa admin nang maaksyunan agad. At saka, kung hindi niyo naman schedule para magonline enrollment ngayon, please lang. Wag na kayo magpumilit, kasi pampagulo lang eh. Lalong bumabagal yung portal, kaya mas mabuti nang sumunod na lang kayo sa schedule ng enrollment niyo. KTHANKSBYE~

P.S,
          Medyo mahaba talaga tong blog entry na to, kasi sobrang haba din ng oras ng paghihirap ko sa online enrollment na yan. Daig na daig pa ang manual sa sobrang tagal umusad. Phew~ Bawi bawi na din ng tulog.

No comments :

Post a Comment

Without using your Facebook account