Yung feeling na, sa sobrang dami mong nakita na mga magagandang damit, hindi ka makapili. Kaya wala ka tuloy nabili maski isa.


          Nakakainis kapag nangyayari sakin to. Yung tipong, papasok ka sa isang shop/boutique tapos lahat ng gusto mo, makikita mo dun. Sa sobrang excitement mo, hindi mo na alam ang uunahin mong tingnan o bilhin tapos in the end, aalis ka sa shop na hindi ka man lang nakabili maski isa kasi parang nawalan ka na ng gana. Ako lang ba yung ganito?

          Hindi kasi ako makapagdecide kung ano ang bibilhin ko, sa sobrang pagka-confused ko, nawawalan na lang ako ng gana kaya hindi ko na nabibili yung mga gusto ko. Ang nakakainis pa don, kung kelan nakauwi na ako, saka ko naman pinagsisisihan na hindi ko binili. ADdfsgfgerggde. Ang gulo ko noh.

          Kaya minsan, nahihirapan talaga ako magshopping kapag ako lang mag-isa. Hindi ako makapagdecide. One time, nagshopping ako mag-isa. Wala akong idea kung ano yung bibilhin ko, kaya kung ano na lang ang makita ko, yun na lang siguro ang kukunin ko at bibilhin. Ang kaso, mas mahirap pala yung ganon. Ako pa naman yung tipo ng tao na hindi bibili ng isang damit, bag o sapatos na hindi ko rin naman magagamit ng madalas, o kaya naman e isang beses ko lang magagamit. Kaya bago ako bumili, pinagiisipan ko muna talaga ng maigi, para hindi ako magsisisi. Dati kasi impulsive ako, pag gusto ko yung nakita ko, kahit magkano, bibilhin ko. Kahit pa umuwi ako ng pamasahe na lang ang natitira sa wallet ko. :))

          Pero dumating kasi yung point na ayoko na ng kinasanayan kong ganon. Kasi pano kapag emergency, edi wala akong pera. Kaya simula ngayon, sabi ko sa sarili ko, hinding hindi na ako bibili ng kahit na ano na hindi ko mapapakinabangan ng maigi. Saka, hindi na rin ako bibili ng may kamahalan o kaya sobrang mahal. Kasi minsan wala rin namang ipinag-iba sa mga mas mura yung presyo. Dahil sa mga experiences ko sa pamimili ng mag-isa, natuto ako tumawad, makipagusap o kwentuhan sa mga tindera (kahit na ayoko talaga ng nakikipag-usap sa mga hindi ko kilala), at pinakaimportante sa lahat, natutunan ko kung saan ako makakahanap ng 3 Ms--Maganda, Mura, at May quality na mga damit, bags, at mga sapatos na din (na syempre brand new!).


          Ngayon, ayaw ko na ng namimili sa mall. Hindi na ako sanay. Kahit na ba sale pa. Kasi kung tutuusin, hindi lahat ng "sale" na yan eh sale talaga. Minsan, napapamahal ka pa. Yung iba jan, ibebenta ng medyo mas mura yung mga items kasi yun pala hindi naman mabenta, kaya bababaan na lang yung presyo para at least maibalik yung puhunan man lang. Worst, yung ibang items na tingin nila ay mabenta at talagang hindi mareresist ng customers, tataasan nila yung presyo, para nga naman mas marami silang kinita. Di niyo ba pansin, lahat ng sale, laging itinatapat sa araw na malapit sa bigayan ng suweldo o kaya sa mismong araw ng suweldo. Kasi nga, gusto nila kumita. Kaya ako, hindi ako naaakit sa mga discounts o sale na mga yan. Bilang isang business management student at anak ng isang business woman, alam ko na rin yung strategies ng mga tinatawag na "sale" na yun ng ibang mga mall. Well, di ko sinasabi na wag na kayo mamili sa mga sale o kaya lahat ng malls ha. Ang sinasabi ko lang eh natuto na ko. Kaya mas sinusuri ko na lahat ng mga binibili ko ngayon.

          Kaya ayun nga (medyo off-topic na tuloy. Haha!), sa tuwing pupunta ako sa mall para magshopping o maghanap ng mabibili, madalas talaga nangyayari sakin na wala akong nabibili pagkatapos. Napagod at nagutom na ko't lahat, pero wala akong nabili. Minsan kasi sa mall, yung mga saleslady di mo makakausap o mahihingan ng payo. Sila yung oo lang ng oo sa mga itatanong mo. Tapos tamad pa maghanap ng stocks, o kaya sumagot sa mga simpleng tanong mo. Ako pa naman yung customer na matanong. Syempre, bibilhin ko yung item so kailangan idouble check ko muna para naman di sayang yung binayad ko. Kaya ako, favorite ko talaga magshopping sa mga bazaar o yung mga tiangge. Bukod sa mura at kakaibang products yung makikita mo, mababait pa yung mga magtitinda sayo (pero syempre, dapat mabait ka rin sa kanila).

          I love shopping at tiangges and bazaar. Great finds at a very reasonable price! Andddddd, karamihan ng mga makikita mo dun, unique, or at least, hindi makikita o mabibili sa mall. Mas nageenjoy ako mamili sa ganun. Mas hindi ako napapagod. Parang laging may bago at excitement ba. Besides, hindi naman din ako brand-conscious. Actually, hindi ako mahilig sa may tatak o "brand" na item. Basta't maganda yung damit, bag o sapatos tapos reasonable yung price at bagay sakin, binibili ko na. Syempre ngayon, kung kailangan or kung magagamit ko talaga. :)

          Okay, napa-blog ako ngayon ng di sinasadya, kasi kanina, ilang oras kami naghahanap ng damit na gusto kong bilhin, pero ano napala ko. Wala. Di ako nakabili ni isa. Yung isa namang watch na gusto ko talagang bilhin para sa sarili ko this Christmas, out of stock naman. HUHUHU! Kaya ayun. Napagisipan ko, na bukas na lang ako mamimili. Yun nga lang, mag-isa lang ako. Kasi may sari-sariling lakad yung mga maaari kong makasama eh. So ayun. Solo flight ako bukas. Haha. Di ko pa nga alam kung san ako mapapadpad. Pero one thing's for sure. Maaaring mahagilap mo ako kung saan may tiangge o bazaar. :))

          Anyway. Sana bukas, mabili ko na yung mga dapat kong bilhin kasi I'm running out of time na. Malapit na ang January. Pasukan na naman at isa pa, nagiipon din ako para sa concert ni Katy Perry. So ayun... :p

          Oh well. Wish me luck. May God bless me and guide me tomorrow. :)) Have fun to me... alone. :))

No comments :

Post a Comment

Without using your Facebook account