Few thoughts from the KKB Summit with Maricel Laxa - Pangilinan

"SEX was intended by God for MARRIED PEOPLE, and not by youth to pervert it."
There is nothing wrong with sex. Like our Pastor, and other professors once said, as long as ginagawa mo yun sa taong pinakasalan mo. Oo, safe ang paggamit ng condom. Pero mas may safe pa dun-- wedding ring, according to Maricel.

"When you are with the person you love or admire, most likely, you can't control your emotion."
Kaya kung hindi mo kayang pigilan ang emosyon mo, ang damdamin mo, una pa lang, lumayo ka na sa tukso. Ang tukso, hindi yan lalayo sayo. Kaya nga tinawag na tukso eh. Ikaw, ang dapat na lumayo dito.

Tanong:
Okay lang ba sa mga babae na gumawa ng first move?

Maricel Laxa:
Noong ginawa ba ni Lord si Adan, ginising ni Eba si Adan? Wala. Hindi.
Sa panahon ngayon, wala na o halos balewala na kasi satin kung sino ang gumagawa ng first move. Ang dahilan, kasi mahal mo, at ayaw mo pakawalan o maunahan ka pa ng iba. Pero according daw sa bible, sabi ni Maricel, hindi ginising ni Eba si Adan nung natutulog siya. Ibig sabihin, hindi si Eba ang dapat na gumawa ng "first move", hinintay niya si Adan na magising, at si Lord ang gumising sa kaniya. Ang mga babae, dapat marunong maghintay, kasi si Lord ang bahalang magbigay sa inyo ng tamang lalaki para sa inyo.

"Kaya mga lalaki, matulog lang kayo. Eba, `wag niyong gigisingin si Adan. Dahil pag iyan nagising, hinog `yan sa pilit. Nagising nga yan, pero mamaya maya, sisihin ka pa."

"Nagsisimula `yan sa holding hands. Sunod niya, akbay, tapos sandal sa balikat, tapos maya maya niyan, sa iba na."
According to her (Marical), she's not against being touchy, pagiging sweet in public, things like that. Kasi, ganun din siya eh. Sweet, touchy, and caring. Pero syempre, doon daw nagsisimula ang tukso, and things like that.

"Women are created to respond. Kaya KAYONG MGA LALAKI, kung hindi kayo seryoso, wag kayong magrespond sa mga babae."
...kasi nga naman, pag pinakitaan niyo ng motibo si babae, si babae naman eh magrerespond. Kakagat at mapapaasa naman nitong si lalaki. Kaya kung wala ka rin namang intensiyong magseryoso o seryosohin si babae, wag mo na umpisahan, kasi hindi mo rin naman tatapusin ng maayos eh. Paaasahin mo lang sa wala si babae. Tss.

"Kaya Adan, matulog ka lang. Eba, maghintay ka."

There, I've shared it, as requested by my sister. Natuwa kasi kami sa youth seminar na ito with Mrs. Maricel Laxa - Pangilinan. Tinalakay kasi yung mga current issues today, that has something to do with the youth. As their guest speaker, ipinahayag ni Maricel yung mga thoughts niya regarding today's issues. Sex, Love, First Move, and things like that. Nakakatuwa lang kasi matagal na rin kaming hindi nakakapakinig ni Jacqui ng mga ganito. Hindi na kami nakakapagattend ng mass, kasi busy masyado si mommy, wala kaming kasama, plus napakaaga ng mass. Sorry Lord. :-S

Ayun. Nakakatuwa namang malaman na parehas kami ng saloobin ni Maricel. Kahit na magkalayo ang age namin eh nagkakasundo kami pagdating sa mga saloobin regarding today's issues. Ayun. Share lang. Opinion ko to, namin, kaya walang personalan. =)

No comments :

Post a Comment

Without using your Facebook account