Philosophy of Man | Learning from our professor, Mr. Garnace - The Multi-Hobbyist

Popular Posts

Philosophy of Man | Learning from our professor, Mr. Garnace

Philosophy of Man | Learning from our professor, Mr. Garnace
Philosophy of Man  Learning from our professor, Mr. Garnace



Ang problema kapag nagmamahal ka, eh gusto mo kontrolin ang isa.
Which is not healthy for any relationship. Syempre, tao yan, na may sariling desisyon sa buhay. Kontrolin mo, masasakal yan. Ang ibon nga lang for example, ikulong mo sa hawla, nagpupumilit nang lumabas eh. Tao pa kaya, na pinakamataas sa lahat ng ginawang creature ni Lord?

Masaya ka kapag ang mahal mo eh sumusunod sayo… And problema eh isa siyang human being. May sarili siyang desisyon.
Nakakatuwa rin naman isipin na sinusunod ng taong mahal mo ang mga sinasabi mo. Kasi, ibig sabihin nun, mahal ka niya. Parang sa parents mo. Bakit mo sinusunod ang Mom and Dad mo? Kasi di ba nirerespeto mo sila at mahal mo sila? Same with the person you love. Hindi naman masamang pasunurin mo ang mga taong mahal mo. Ang masama, kapag nasobrahan. Kapag kinokontrol mo na siya.

Beauty is defined by society. Hindi mo siya mahal. Katulad lang siya ng mga nakikita at nababasa mo sa mga magazines, based on what mass media is telling you. Mass media defines beauty. Yung mga taong nakikita mo sa TV. Yung mga babaeng halos wala nang laman, may mga long, black and shiny hair.
What is beauty or beautiful for you? Probably, you'll say someone who is flawless, maputi, sexy, maganda ang nose, maganda ang mata, matangos ang ilong, and all that. That's what mass media is telling us, according to our professor in Philo. Karamihan ng nakikita natin sa TV, eh yung mga matatangos ang ilong, mapungay ang mata, maputi, sexy, at and all that. Kung sa tingin mo, kaya mo mahal ang isang tao eh dahil lang sa physical attributes niya, eh sorry, but that is not love. That's more of admiration, or maybe even lust. Love is not based on your physical appearance. Love is unconditional. So do not confuse yourself with love and lust. There is a big difference.

Ang mga taong walang pinagiba sa patay, ay ang mga taong hindi malaya. Kapag sinabi ng bf mo na magpahaba ka ng hair, mahaba ang hair mo. Kapag gusto niya ng mabango, mabango ka. Sunud-sunuran ka. Walang angal. Ganyan ang mga patay, hindi umaangal. Walang pinagiba.
Freedom: ito daw yung pinagkaiba natin sa mga taong pumanaw na. Dahil tayong mga buhay, malaya tayong gawin ang mga gusto nating gawin, malaya tayong umangal kung ano sa tingin natin ang mali o hindi makatarungan, magreason out, at kung ano ano pa. Kung ikaw naman, bilang isang taong nabubuhay pa eh walang kalayaan.